Alam kong hindi ko maeexplain sa salita ko lang, kung gaano kaganda tong libro na to! Hindi sapat ang basta “Maganda” lang o “Nakakaiyak” dahil para sakin mas sobra pa dun! Ayokong maging spoiler. Kaya hindi ko na lang ikwekwento. Kahit gustong gusto ko. Pero actually, hindi ko pa siya tapos basahin. 80% pa lang siguro. Pero nung basta… feeling ko natapos na yung kwento para sakin. </3 TT”
Alam mo yung ramdam mo yung kwento hindi lang dahil nabasa mo. Tagos sa puso e. Seryoso. Korni na kung korni! Haha. Dapat talaga pinagtyagaan ko pa nun hanapin yung PDF nito e. Matagal ko na tong gustong basahin. Pero salamat kay @apljin Hehe. ^___^ Nagkaron ako ng kopya. Pero kahit nabasa ko na. (Kung may balak man akong tapusin, dahil ayoko talaga!) Pangako kong bibilihin ko tong librong to! Uulit uulitin kong basahin.
Nakakalungkot lang na sa ‘twing magbabasa ka, laging may katapusan yung page. hindi ba pwedeng unlimited. Yung hindi matatapos. </3 Yung walang ending. Tuloy-tuloy lang yung kwento.
Basta. MUST READ. Top1 na to para sakin. So far..
“Like we’d had this brief but still infinite forever. Some infinities are bigger than other infinities.”










